Mayol Bigo: Pati Si Morales
Nagkaroon ng pagbabago sa kanyang istilo. Ngunit ang isang saglit na pagbaba sa kanyang depensa ang naging dahilan ng kabiguan ni Filipino fighter Rodel “Batang” Mandaue” Mayol.
Isang left jab na sinundan ng matinding right cross ni Mexican Ulises “Archie” Solis ang nagpabagsak sa 25-anyos na si Mayol sa 1:13 ng 8th round para panatilihing suot ang kanyang International Boxing Federation (IBF) junior flyweight crown kahapon sa All State Arena sa Rosemont, Illinois, USA.
Ang kabiguan ang naglag-lag sa win-loss-draw ring record ni Mayol sa 23-2-0 kasabay ng pagtaas ng 25-1-2 card ng 25-anyos ring si Solis tampok ang 19 KOs.
Bago sapitin ang kabiguan, kumonekta muna si Mayol ng isang left hook na naghulog kay Solis. Ngunit ito ay hindi binilangan ni referee John O’ Brien bilang isang knockdown.
“Tanggapin ko na lang ang pagkatalo ko, at sana may dumating pang pagkakataon para sa akin,” sabi ni Mayol, nabigong makuha ang kan-yang inaasam na world boxing title sa ikalawang pagka-kataon matapos matalo kay Japanese Eagle Kyowa sa kanilang World Boxing Council (WBC) minimumweight championship noong Hunyo 6 ng 2006.
Si Mayol, sinanay ni dating U.S. Olympic Team coach Kenny Adams, ang ikalawang sunod na Pinoy na natalo sa isang world championship matapos si lightweight Czar Amonsot kay Michael Katsidis ng Australia via unanimous decision.
Umagaw naman ng ekse-na sina super bantamweight Bernabe Concepcion at super featherweight Mercito Gesta matapos manalo sa kani-kanilang laban.
Pinatulog ng 19-anyos na si Concepcion (22-3, 10 KOs) si Gabriel Elizondo (23-3, 10 KOs), sa 2:11 ng 4th round para angkinin ang North Ame-rica Boxing Federation (NABF) crown, habang umiskor naman ng isang majority decision si Gesta (11-0-1, 3 KOs) kay Carlos Madrid (8-4-2, 2 KOs) sa kanilang six-rounder.
Sa WBC lightweight championship, hindi naman pinaya-gan ni Chicago pride David Diaz (33-1-1) na makuha ni Mexican great Erik Morales (48-6) ang ikaapat na world boxing belt nito nang tumipa ng isang unanimous decision.
Isang right cross ni Morales, naghari sa super bantamweight, featherweight at super featherweight classes, ang nagpabagsak kay Diaz sa 1st round bago ito rumesbak sa pagpapatumba sa Mexican sa 2nd round.
Humugot si Diaz ng 114-113 puntos kay judge Herminio Cuevas, 115-113 kay Robert Hecko at 115-112 kay Nobuaki Uratani kontra kay Morales.
- Latest
- Trending