Matapos ang 21 taon, nakawalis na rin ng first round ang mga Red Warriors.
Ito ay matapos gibain ng University of the East ang Adamson University, 95-70, tampok ang 16 puntos ni 6-foot-5 Mark Borboran, sa eliminasyon ng 70th UAAP men’s basketball tournament kaha-pon sa Araneta Coliseum.
Ang panalo ang nagbigay sa Red Warriors ng 7-0 rekord kasunod ang La Salle Green Archers (5-2), nagdedepensang University of Sto. Tomas Growling Tigers (4-3), Ateneo De Manila University Blue Eagles (4-3), Far Eastern University Tama-raws (3-3), National University Bulldogs (2-4), Falcons (1-6) at University of the Philippines Fighting Maroons (0-7).
“We are happy on the first round sweep, pero it’s still a long way to go,” wika ni coach Dindo Pumaren sa kanyang UE, ipinoste ang malaking 46-24 abante sa second period patungo sa 71-48 pagbaon sa Adamson.
Sa inisyal na laro, iginupo naman ng FEU ang UP, 87-82, sa likod ng pamamayani nina rookies Mark Barroca at JR Cawaling.
“At least we achieved in winning four games in the first round, kailangan na lamang maging consistent sa second round if we wanted to make it sa Final Four,” ani mentor Glenn Capacio ng Tamaraws.
Samantala, kinatigan naman ng UAAP Board ang rekomendasyon ng UAAP Technical Committee na tuluyan nang iba-sura ang protesta ng La Salle kontra Ateneo.
Kasabay nito, naglabas naman ang liga ng bagong implementing rules ukol sa pagpapalaro ng sabay ng isang koponan sa kanilang dalawang foreign cagers, kagaya nina Australian Zion Laterre at American Kirk Long.
Sinabi ni UAAP president Fr. Ercito de Sagon na sa unang offense ay tatawagan ng technical foul ang coach na sabay na magpaparada ng dalawang foreign cagers at bibigyan ang kalaban ng dalawang freethrows at ball possession.