WBO Titles Itataya Nina Flores, Francisco

Sasabak sa aksiyon  mamayang gabi (Sabado) ang dalawa sa mga itinutu-ring na susunod na world champion na Pinoy na sina Rexon “Pison” Flores at Drian “Little Espinosa” Francisco kontra sa mga tigasing Thai challenger.

Makakalaban ni Flores si Terdkiet Jundaeng ha-bang kabangasan ni Francisco si Wanmeechok Singwangcha.

Itataya ni Flores ang kanyang World Boxing Organization (WBO) Inter-Continental light flyweight title habang isusugal ni Francisco ang dating pag-aari ni Flores na WBO Asia Pacific flyweight crown sa card na gaganapin sa Elorde Sports Center sa Sucat, Parañaque City.

Napanalunan nina Flores at Francisco ang mga titulo laban din sa mga Thai fighter noong Disyembre sa Mandaluyong City.

Sisimulan ang card ng mga amateur bout simula alas-6 ng gabi at isusunod agad ang walong laban sa undercard, kabilang ang engkuwentro ng mga lady boxers na sina Geremie Tabastabas ng Pasig City kontra Marnelle Verano ng Manila.

Show comments