Playoff sa F4 nakuha rin ng San Beda

Katulad ng dapat asahan, nasikwat ng nagdedepensang Red Lions ang ikalawang playoff berth para sa Final Four. 

Kumolekta si Yousif Aljamal ng 25 puntos at 12 rebounds, habang nagposte naman si 6-foot-8 Nigerian Sam Ekwe ng 17 marka at 14 boards para ihatid ang San Beda College sa 96-76 tagumpay kontra five-time champions San Sebastian College-Recoletos sa second round ng 83rd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan. 

Sa kabila ng inaasahang pag-abante ng Mendiola-based cagers, hindi pa rin nagpaparamdam ng kumpiyansa si head coach Frankie Lim.

 Sa pangalawang laban, kumalawit naman si 6’2 Marvin Hayes ng 19 puntos, 15 rebounds, 1 assist at 1 shotblock para ibigay sa JRU Heavy Bombers ang 80-65 panalo kontra sa kontrobersyal na Blazers.  

Sumasakay ngayon ang Mandaluyong-based dribblers sa isang four-game winning streak, habang nahulog sa isang seven-game losing slump ang St. Benilde matapos manalo sa Mapua sa kanilang opening game noong Hunyo. 

 Isang indefinite sus-pension naman ang ipinataw ng NCAA Management Committee (Man-Com) kay Paolo Orbeta ng Blazers mula sa pagkaka-aresto nito noong Miyerkules dahilan sa kasong point shaving. 

Show comments