Matapos ang Knights, ang nagdedepensang Red Lions naman ang magtatangkang makalapit sa isa sa apat na upuan sa Final Four.
Ngunit laban sa five-time champions Stags, alam ni head coach Frankie Lim na hindi magiging madali ang kanilang gustong makuha.
”This is a team that can match up with our wise,” pag-kukumpara ni Lim sa San Sebastian College-Recoletos ni Jorge Gallent sa kanyang San Beda College. “We cannot take them lightly. We struggled the first time we played them. I hope we can come out strong this time.”
Sasagupain ng Red Lions ang Stags ngayong alas-2 ng hapon bago ang sultada ng Jose Rizal Heavy Bombers at St. Benilde Blazers sa alas-4 sa second round ng 83rd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.
Nakuha na ng Letran ang isang playoff seat para sa Final Four sa bisa ng kanilang 7-1 rekord kasunod ang San Beda (6-1), Jose Rizal (4-3), San Sebastian (3-3), University of Perpetual Help-Dalta System (2-5), Mapua Institute of Technology (2-6) at St. Benilde (1-6).
Sa kanilang unang pagki-kita sa first round noong Hulyo 20, tinalo ng Red Lions, iba-bandera sina 6-foot-8 Nigerian Sam Ekwe, 6’3 Yousif Aljamal, 6’5 Dave Marcelo, 6’2 Ogie Menor at 5’11 Borgy Her-mida, ang Stags, 73-64.
“We have to control the boards for them not to run and minimize the scoring of Aljamal and (Pong) Escobal,” sabi naman ni Gallent, aasahan sina 6’8 Francis De Leon, 6’6 Jason Ballesteros, 6’2 Jim Viray at 6’3 Gilbert Bulawan. “We have to minimize as well our turnovers.”
Sa ikalawang laro, target naman ng Heavy Bomb-ers ang kanilang pang apat na dikit na panalo sa pakikipagkita sa Blazers, nasa isang six-game losing slump matapos talunin ang Cardinals sa kanilang opening game noong Hunyo 27. (RCadayona)