Salamat sa lahat ng sakripisyo, at sorry kung hindi namin naabot ang pangarap-Reyes
Inihanda ito para
Walang selebrasyon ngunit ang okasyon ay naging pasasalamat sa sakripisyo ng buong national team sa ilalim ni coach Chot Reyes.
“We thank you for all your sacrifices. You worked so hard for five months. You did everything you can do,” pahayag ni Ricky Vargas ng Talk N Text.
At sa wakas, nagkaroon ng ingay ang kuwarto sa masigabong palakpak ng mga opisyal, ilang media at iba pang bahagi ng Philippine delegation para papurihan ang koponan.
Sumunod na nagsalita si national coach Reyes. Habang nagsasalita si Reyes at nagsisimula nang gumaralgal ang kanyang tinig sa tahimik na silid, umalingawngaw ang mga hikbi.
“I’m very sorry for not meeting the expectation. We’re bleeding right now. I take responsibility for the failed mission,” ang pilit na binigkas ni Reyes habang pinipigil ang pag-iyak. “I thank you for this opportunity to work with this team. “I would go through same experience with this group again.”
Ang mga namumugtong mata ng ilang players bunga ng pag-iyak sa locker room pagkatapos ng 84-79 pagkatalo sa
Maliban sa kalantog ng mga pinggan at mga huntahan ukol sa masaklap na pagkatalo ng Pinas, nagkaroon din ng ingay ang silid sa masigabong palakpak na ibinigay ng mga opisyal, iba pang miyembro ng team at ng buong media delegation bilang papuri sa 15-man team na sumabak dito sa Tokushima.
Limang buwang naghanda ang RP Squad na naatasang ibalik ang bansa sa Olimpiyada matapos makaahon ang bansa sa masalimuot na problema sa basketball.
Sa kasamaang palad, naglaho ang magandang pangarap na ito at ang susunod na pagkakataong magkakaroon ng tsansang makakapagpadala ng basketball team sa Olympics ay sa 2012
- Latest
- Trending