^

PSN Palaro

Budget ng mga NSAs sobra

-

Katulad ng inaasahan, sumobra sa itinakdang budget ng Philippine Sports Commission (PSC) ang requests ng mga National Sports Associations (NSA)s para sa sports equipment na gagamitin ng kanilang mga atleta bilang paghahanda sa 24th Southeast Asian Games sa Thailand.

Ito ang inihayag kahapon ni Mark Joseph, miyembro ng SEA Games Task Force at deputy secretary-general ng Philippine Olympic Committee (POC), matapos ang idinaos na pulong.  

“As expected, we have overshot the budget regarding the equipment from 40 percent to 75 percent,” wika ni Joseph, pangulo rin ng Philippine Amateur Swimming Association (PASA).

Nauna nang inihayag ng Philippine Sports Commission (PSC) na hanggang P20 milyon lamang ang kanilang mailalatag para sa equipment ng mga NSAs.

“Kung lahat ‘yan magre-request ng equipment, kung lahat ‘yan magre-request ng international exposure hindi talaga magkakasya sa budget,” ani Joseph sa mga kapwa niya NSAs. “We have to use the limited budget strategically.”

Ang biniling equipment ng POC at ng PSC noong 2005 Philippine SEA Games ang kasalukuyang ginagamit ng mga national athletes bilang preparasyon sa nasabing biennial event na gagawin sa Thailand sa Disyembre.

Hiniling na kamakailan ni POC chairman Robert Aven-tajado ng Philippine Taek-wondo Association (PTA) sa mga NSAs na maging realis-tiko sa paghingi ng equipment sa PSC.

Ipagtatanggol ng mga Pinoy sa 2007 Thailand SEA Games ang overall championship na nasambot noong 2005 Philippine SEA Games. (Russell Cadayona)   

GAMES TASK FORCE

MARK JOSEPH

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with