Back-to-back na win asam ng SSC at UPHDS

Tangka ng San Se-bastian College-Recole-tos at ng University of Perpetual na makopo ang kanilang unang back-to-back wins sa season na ito sa kanilang pakiki-pagharap sa magkahiwa-lay na kalaban sa 83rd NCAA men’s basketball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan.

Magbabalik na si coach Jorge Gallent simula sa one-game suspension sa pakikipag-harap ng kanyang SSC-R Stag sa College of St. Benilde sa alas-2:00 ng hapon.

Sa ikalawang laro, makakaharap naman ng UPHD-Altas ang Mapua Institute of Technology sa alas-4:00 ng hapon.

Ang Baste ay nag-iingat ng 2-2 kartada kasu-nod ang Perpetual na may 2-3 record sa likod ng defending champion San Beda College at Colegio de San Juan De Letran na namamayagpag sa kani-lang magkatulad na 4-0 kartada.

Kahit walang coach, nagawa pa ring magta-gumpay ng Stags sa 66-63 kontra sa Cardinals para makabangon sa dalawang sunod na talo.

Hangad nilang masun-dan ito sa tulong ni Jim Viray na siyang nanguna sa Baste sa kanyang 17-puntos bagamat ang totoong bayani ay si Jason Ballesteros na umiskor ng dalawang krusyal na free-throws. (MBalbuena)

Show comments