Kahanga-hanga talaga itong si Jimmy Alapag na miyembro ng SMC-Pilipinas na nagsasanay para sa nalalapit na FIBA-Asia Men’s basketball championship na gaganapin sa Tokushima, Japan sa July 28.
Para sa personal kong opinyon, namumukod-tangi si Alapag na maganda ang nilaro sa nagdaang international training and tournament na kanilang sinalihan at lately dito nga sa 4-National Invitational tournament.
Lalo na sa Jones Cup kung saan marami ang nagsabi at nagpadala ng kanilang reviews at suggestions via email na deserving si Alapag na makasama sa National team.
Grabe ang ipinakitang game ni Alapag na umani ng paghanga mula sa mga fans.
Kung sabagay kahit nang bago pa lamang itong si Alapag marami na ang nagsabing malaki ang tulong na magagawa nito kapag nakuha itong member ng National team.
Wish ng marami na sana magtuluy-tuloy ang kanyang galing hanggang FIBA-Asia.
Mukhang inspirado at talagang pinatutunayang deserving ang pagkakapili sa kanya.
Di ba Ms. LJ Moreno?
* * *
Sayang naman at hindi nakalaro si James Yap sa 4-National Invitational dahil sa sprain injury na kanyang tinamo sa Jones Cup palang.
Isa pa rin kasi si James sa maganda ang inilaro sa Jones Cup althought hindi ganun katagal siyang pinaglalaro ay quality minutes naman ito.
By the time na pupunta na sila sa Tokushima, eh okay na ang kanyang sprained foot at puwede na uli.
* * *
Marami lang ang nagtataka sa inilalaro ni Eric Menk.
Ayon sa ilang mga kasamahan ko dito sa opisina, tila wala sa kondisyon ito kaya wala pang naipakita sa National team.
Baka naman nag-aadjust lang, di kaya?
* * *
Our congratulations to our friend Gary David ng Air2. Si Gary ay napiling Most Improved Player, Sportsmanship at kabilang sa First Mythical Five ng PBA. Very deserving.
Congrats friend!