^

PSN Palaro

SMC-Pilipinas vs Lebanon uli

-

Natalo man ang Lebanon sa SMC-Pilipinas, may pagkakataon na silang makaganti.

Ginulantang ng Lebanon ang China team, 77-71 kagabi sa final elimination game ng 4-nation Smart Manila Invitationals na nagpatuloy sa The Are-na sa San Juan kagabi.

Ito ang nagbigay ng malaking posibilidad ng muling paghaharap ng Lebanon at ng RP squad para sa finals ng 4-day tournament na ito na final preparation ng mga teams para sa FIBA-Asia Tournament na gaganapin sa July 26-August 5 sa Japan.

Sa ikalawang laro, ihiniya ng SMC-Pilipinas ang Syria, 92-79.

Ang panalo ng RP Team kontra sa Lebanon noong opening day, 88-83 at ang panalo ng China kontra sa SMC-Pilipinas kamakalawa, 77-74 at laban sa Syria ay nag-bunga  tripletie sa 2-1.

Dahil dito, ang Lebanon at ang RP-Squad ang may pinakamataas na quotient kaya sila ang maglalaban para sa titulo ng 4-day tournament na ito. Maglalaban naman ang China at Syria para sa konsolasyong third place. (M Balbuena)

vuukle comment

ASIA TOURNAMENT

COUNTRY

M BALBUENA

PILIPINAS

PLACE

REGION

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with