^

PSN Palaro

Alas, nagbida sa Squires

-

Ang paglimita sa mga kamador ng multi-titled San Beda Red Cubs ka-sabay naman ng  ratsada ni top scorer Kevin Alas.

Ito ang naging sandata ng Letran Squires sa 106-92 paggupo sa Red Cubs para gumawa ng isang three-way logjam sa liderato ng 83rd NCAA junior’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

Ang nasabing panalo ang naghanay sa Letran, San Beda at nagde-depensang San Sebas-tian sa unahan sa magka-katulad nilang 2-1‘ rekord.

Tumipa si Alas ng season-high 40 puntos, 7 rebounds, 2 assists at 1 shotblock para sa ikala-wang sunod na panalo ng Intramuros-based dribblers ni coach Elmer Latonio.

Mula sa maliit na 28-27 lamang sa first period, pinalaki ng Squires ang kanilang abante sa 58-45 sa halftime patungo sa kanilang 78-58 pagbaon sa Red Cubs sa huling 1:15 sa third quarter.

Sa ikalawang laro, tinalo naman ng Staglets ang La Salle-Greenhills Greenies, 105-83, na nag-hulog sa 1-2 baraha ng huli. 

Sa ikatlong laro, sinungkit ng   host school Jose Rizal University ang ikalawang panalo makaraang igupo ang University of Perpetual Help Dalta System, 98-77. (Russell Cadayona)

ELMER LATONIO

KEVIN ALAS

LA SALLE-GREENHILLS GREENIES

LETRAN SQUIRES

PERPETUAL HELP DALTA SYSTEM

RED CUBS

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with