Sista-Henkel ‘di palulusutin ng Batang Pier
Hanggat maaari ay ayaw nang bigyan pa ng nagde-
“We want to finish the series early but we have to keep our focus and play solid defensively,” sabi ni Batang Pier coach Jorge Gallent sa Super Sealers ni mentor Caloy Garcia. ”We can’t take Sista easily, it has also the materials.”
Magtatagpo ang Harbour Centre at ang Henkel-Sista ngayong alas-2 ng hapon bago ang salpukan ng Toyota Balin-tawak at Cebuana Lhuillier sa alas-4 sa mahalagang Game 2 ng kanilang semifinals series para sa 2007 PBL Unity Cup sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.
Inangkin ng Batang Pier at Roadkings ang 1-0 abante matapos igupo ang Super Sealers, 87-62, at Money-men, ayon sa pagkakasunod, sa series opener noong Sabado.
Sakaling kapwa manalo ang Harbour Centre ni Gallent at ang Toyota ni Ariel Van-guardia, isang championship rematch ang maitatakda mula na rin sa paggupo ng dating Port Masters sa Sparks sa 2006 PBL Unity Cup best-of-five titular showdown.
Maliban sa pag-aayos ng kanilang championship duel ng Roadkings, hangad rin ng Batang Pier ang kanilang ikat-long sunod na finals appearance matapos pagharian ang 2006 PBL Unity Cup kontra Sparks at ang 2007 PBL Silver Cup laban sa Hapee-PCU Teethmasters.
Sa hangaring maiwasan ito, lubos na ang magiging paglalaro ni Fil-Am Ryan Reyes para sa Henkel-Sista. “I’ll be ready for Game 2, I have to play and help the team,” sabi ng 6-foot-1 na si Reyes, naglilista ng 14.0 points per game average para sa Super Sealers bago ang semis.
Muling pangungunahan nina Jason Castro, JC Intal, Jojo Duncil, Ryan Arana at Chico Lanete ang Harbour Centre laban kina Reyes, Khiel Misa, Fritz Bauzon, Gilbert Malabanan at 6-foot-8 Samigue Eman ng Henkel-Sista. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending