Napipinto ang muling paghaharap ng Harbour Centre at Toyota Balintawak para sa titulo matapos ang kanilang magkahiwalay na panalo sa pagbubukas ng semifinals ng 2007 PBL Unity Cup sa The Arena sa San Juan kahapon.
Sinapawan ni Marvin Cruz si Macky Escalona sa krusyal na yugto ng laro kahapon nang maungusan ng Toyota Balintawak ang Cebuana Lhuillier Pera Padala, 68-65.
Maaga namang umarang-kada ang defending champion Harbour Centre upang makalayo ng husto sa Hen-kel-Sista tungo sa kanilang 87-62 panalo sa ikalawang laro.
Bunga nito, hawak na ng Roadkings at ng Batang Pier ang 1-0 kalamangan sa kani-kanilang best-of-three semifinal series at ang kani-lang panalo sa Game-Two ang magse-selyo ng kanilang rematch.
Matapos buksan ang laban sa 19-9, umatake pa ng husto ang Harbour Centre na nag-tatangka ng kanilang ikatlong sunod na titulo, sa sumunod na quarter sa pagkamada ng 28-puntos para kunin ang 47-23 kala-mangan sa halftime.
Naibaba ng Super Sealers ang kanilang distansiya sa 49-57 sa huling bahagi ng ikatlong quarter matapos ang 26-10 produksiyon ngunit mabilis na umalagwa ang mga Batang Pier sa pagkamada ng anim na sunod na puntos upang tuluyan nang makalayo.
Naghahabol ang Roadkings sa 64-65 nang takasan ni Cruz ang depensa ni Escalona para idiretso ang bola na gumulong muna sa rim bago pumasok na may kasama pang foul at ipinasok niya ang bonus shot para kumpletu-hin ang three-point play para sa 67-65 kalamangan.