^

PSN Palaro

Kasaysayan target ng Harbour Centre

-

Hindi lang basta-basta kampeonato kundi pati na rin lugar sa kasaysayan ng PBL ang puntirya ng Harbour Centre sa pagsi-simula ng kanilang semifinal series kontra sa Hen-kel-Sista ngayong hapon sa San Juan Arena.

Ang Game-One ng Harbour-Henkel PBL Unity Cup best-of-three semifinal series ay alas-4:00 ng hapon kung saan pinapaboran ang Batang Pier na makabalik ulit sa finals.

Ang mananalo sa Batang Pier at Sista ay haharap sa survivor ng isa pang semifinal series   sa pagitan ng Toyota at Ce-buana Lhuillier na siyang magbubukas ng aksiyon sa alas-2:00 ng hapon.

Ang Stag Pale Pilsen ang kahuli-hulihang team na nakapagsubi ng tatlong sunod na titulo at ito ang nais pantayan ng Port Masters kaya’t determi-nado ang mga tropa ni Harbour Centre team owner Mike Romero na manalo sa seryeng ito.

Nanalo ang Batang Pier sa kanilang dalawang beses na paghaharap sa eliminations kontra sa Sista na nais buhayin ang ‘legacy’ ng kanilang dating team na Welcoat Paints na nanalo ng pitong titulo bago pumalaot sa professional league.

Inaasahang sasandal si coach Caloy Garcia ng Henkel kay Ryan Reyes at ang troika mula sa Perpetual Help na sina Fritz Bauzon, Noy Javier at Khiel Misa.

Tatlong beses namang tinalo ng Cebuana ang Toyota kabilang ang elimination ng nakaraang kumperensiya  ngunit hindi ito binibigyan ng pansin ni Roadkings coach Ariel Vanguardiia na sasandal kina Marvin Cruz at Joe Devance na malaki ang bahagi sa 76-50 panalo laban sa Burger King sa nakaraang playoff para makuha ang huling semis slot.

“With the way Joe performed, I think he can match up with Bono or Kramer,” sabi ni Van-guardia na nais makatikim ng kauna-unahang championship  (Mae Balbuena)

vuukle comment

ANG GAME-ONE

ANG STAG PALE PILSEN

ARIEL VANGUARDIIA

BATANG PIER

BURGER KING

CALOY GARCIA

HARBOUR CENTRE

SISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with