RATCHABURI, Thai-land -- Nagpasiklab si Renren Ritualo upang ipa-kita ang kanyang galing nang kanyang painitin ang opensa ng SMC-RP team tungo sa impresi-bong 102-72 panalo laban sa Malaysia.
Mula sa 21-pagtatabla ng iskor sa ikalawang quarter, umiskor ng limang tres si Ritualo sa 20-4 atake upang iwanan ang Malaysia tungo sa kani-lang ikatlong sunod na panalo sa gayong ding da-mi ng laro sa Southeast Asian Basketball Asso-ciation (SEABA) Men’s Basketball Champion-ships.
Kailangan na lamang talunin ng RP team ang Thailand para makum-pleto ang sweep sa five-team tournament na ito at masiguro ang ticket sa FIBA-Asia Champion-ships sa July 28-August 5, ang qualifying tournament para sa pinapangarap na 2008 Beijing Olympics.
Di mapigilan si Ritualo sa three-point area hang-gang sa sumablay ito sa kanyang ikaanim na attempt ngunit sinundan naman nina Mick Pennisi at Mark Caguioa ang pa-nanalasa ng Nationals upang tuluyang patahimi-kin ang Malaysian.
“Mission accom-plished today,” ani RP coach Chot Reyes. “To-morrow, hopefully, we achieve our goal.”
Ayon kay Reyes, ang target ay ang Olympics sa pamamagitan ng FIBA-Asia tournament ngunit importanteng manalo sa torneong ito.
Inaasahang hindi ma-giging problema ng mga Pinoy ang kanilang huling laban kontra sa host Thailand na inaasahang susuportahan ng home-town crowd.