CLARK, Pampanga --Wala nang kawala kay Victor Espiritu ang overall individual title at wala na ring kawala sa kanyang koponang Wow Magic Sing ang P500,000 team prize matapos ang penulti-mate Stage 9 Baguio-to-Clark ng 2007 Padyak Pinoy na nabahiran ng kontrobersiya.
Napanatili ni Espiritu ang overall individual title sa karerang hatid ng Tanduay sa pakikipagtu-lungan ng Wow Magic Sing at Air21, patungo sa final Stage 10 na criterium sa Rajah Sulaiman sa Roxas Boulevard sa alas-10:00 ng umaga nang makisabay lamang ito sa main peloton na hindi nabasag maliban sa huling 40 kilometro ng karerang pinaigsi mata-pos magkagulo sa ruta sa parteng Agoo.
Ang 191 kilometrong karera ay umigsi ng 171 kilometro nang magdesis-yon ang mga race organizers na mag-restart matapos huminto ang mga siklista sa Pugo junction.
Ayon kay Race Manager Paquito Rivas ng Philippine National Cycling Association, may mga siklistang nais nang kumaliwa sa Pugo junction imbes na sundin ang ruta na dadaan ng Rosa-rio at ang idinahilan ay ang masikip na trapiko.
“Controlled naman namin ang traffic. Kung pagbibigyan naman sila, sinisira na nila ang cycling,” pahayag ni Rivas na nagsabing magsasa-gawa ang PNCA ng im-bestigasyon gayundin ang PhilCycling na nagsanc-tion sa karera at ang organizer na Dynamic Outsource Solution Inc.
May usap-usapang may mga riders na kabi-lang sa itaas ng individual standing ang nagmung-kahing paigsiin na lamang ang ruta upang masiguro ang kanilang puwesto. Gayunpaman, bago magsimula ang karera, sumang-ayon ang mga siklista sa ruta.
Bukod sa pagrereboka ng lisensiya sa karerang binabantayan din ng Games and Amusement Board na nangangahu-lugang hindi sila makaka-sali sa anumang torneo dito sa bansa at sa labas.
Kung kabilang sa mga national ang sangkot, tatanggalin ito sa Pam-bansang koponan.
Bagamat may 29 segundo lamang na layo si Espiritu, ang tinanghal ding King of the Mountain, sa pumapangalawang si Baler Ravina ng Cool Pap sa kanyang total time na 31-hours at 10.33 minuto, halos sigurado na sa kanya ang overall individual title dahil sumuko na si Ravina.
Kinuha ni Joel Calde-ron ang Stage honors sa tiyempong 4-oras, 1:19 minuto, nang kanyang pangunahan ang lima kataong kumalas sa main peloton para talunin sina Bernard Luzon ng Cool Pap at Dante Cagas ng Bacchus na nagtapos bilang runner up at third place ng stage.
Inagaw naman ng Wow Magic Sing ang team title sa defending champion Cossack Vodka matapos magtala ng aggregate time na 127-hours at 18.48 minuto, may 1:23 minuto lamang na kalamangan sa Cossack Riders bilang seventh place sa Stage. Ang Cossack ay No. 10.
Isinubi ng Wow Magic Sing ang P500,000 team prize habang nagkasya sa P400,000 ang Cossack, P350,000 sa third place na Cool Pap, P300,000 sa Caltex at P225,000 sa fifth placer na Vellum.
Nasiguro naman ni Carlos Nadyahan ng Caltex team ang P20,000 bilang Rookie of the Year maka-raang magtapos bilang 13th sa overall individual standing.