^

PSN Palaro

EDITORYAL - Isalikway na ang mga Huey

-

RATCHABURI, Thailand -- Hindi na-scout ang Singapore national team ngunit hindi ito dapat maging problema para sa San Miguel-Pilipinas na dumating dito noong Miyerkules ng hapon.

Maraming mahuhusay na swimmers at dragon boat racers ang Singa-pore ngunit hindi sila dominante sa larong ito.

Hindi magiging kumpi-yansa ang koponan ni national coach Chot Reyes bagamat inaasa-hang dodominahin nila ang torneong ito, ang qualifier para sa impor-tanteng FIBA-Asia Men’s Championship sa July 28-Aug. 5 sa Tokushima, Japan.

Ang torneong ito ang opisyal na pagbabalik ng All-Pro squad  sa SEABA tournament na pinagwa-gian ng Philippines mula 1998 hanggang 2003, sa international scene, mata-pos ang tatlong taon na pagsuspindi sa bansa ng International Basketball Federation  o FIBA.

Tinalo ng RP team ang Malaysia, 96-81 sa Kuala Lumpur noong 2003 para sa ikaapat na sunod na titulo na hindi na nasun-dan matapos masuspindi ang bansa noong 2005.

Naka-bye ang SMC-RP noong Huwebes at ang kanilang makaka-laban sa ngayon ay ang Singapore, Indonesia sa 26th, Malaysia sa 27th at Thailand sa 28th sa eliminations para sa torneong ito kung saan ang top two ay papasok sa Toku-shima tournament.

ALL-PRO

ASIA MEN

CHOT REYES

INTERNATIONAL BASKETBALL FEDERATION

KUALA LUMPUR

PLACE

SAN MIGUEL-PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with