5 MPD-police inireklamo ng ‘hulidap’
SAN FERNANDO, La Union -- Nabawi ng defending team champion Cossack Vodka ang pangunguna sa 2007 Tanduay Padyak Pinoy matapos ang mahusay na pagpedal sa 213-kilometer sixth stage mula Laoag patungo dito.
Hindi naasahan ng dating leader na Vellum ang kanilang kapitan na si Frederick Feliciano na na-dislocate ang collar bone na sumira sa kanilang planong agawin sa Cossack ang titulo.
Nanguna ang team Caltex sa stage sa oras na clocking 20 hours, 35 minutes at 29.231 seconds, ka-sunod ang Cossack checked na may oras na 20:-37:47.533 para sa kanilang total time na 76:13:12.014.
Umahon ang Caltex sa second overall, 4:20 minuto ang layo sa Cossack riders, kasunod ang Vellum na 11 minuto na ang layo sa Cossack tulad ng fourth-place na Cool Pap patungo sa crucial na Baguio stages na magsisimula ngayon.
”Kawawa naman si Feliciano. Sayang naman. Sana makarekober siya agad.” Sabi ni Cosaack Vodka coach Renato Dolosa ukol sa Vellum rider na sumem-plang sa paahong bahagi ng bayan ng Santa.
Si Feliciano na umakay sa Vellum team na nanguna sa Stage 5 team time trial mula Vigan hang-gang Laoag para agawin ang team overall leadership, ay dinala na sa Maynila para bigyan ng lunas.
Ang Champion team ng individual defending champion na si Santy Barnachea ay 12 minutes behind sa ikalimang puwesto kasunod ang Mail & More na 20:25 behind.
- Latest
- Trending