^

PSN Palaro

Talo di matanggap ni Puno, ayon kay Biazon

-

Hindi palulusutin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang ‘have money will travel policy’ sa darating na 24th Southeast Asian Games na dating pinairal ng Philippine Olym-pic Committee.

 Ayon kay PSC Commissioner Richie Garcia, may kriterya na dapat sundin ang mga National Sports Associations (NSA)s kaugnay sa kanilang pagpapadala ng mga atleta sa 2007 SEA Games sa Thailand sa Disyembre. 

”We will definitely discourage that among the NSAs kasi marami ring expenses diyan, like having their own uniforms, their hotel and accomodations at hindi lang plane ticket ang problema nila,” ani Garcia. 

Sa nakaraang Asian Games sa Doha, Qatar noong 2006, nakabiyahe ang men’s baseball team kahit na hindi payag ang PSC at POC bunga ng inaasahang paglampaso rito ng mga tropa ng Japan, Korea at China. 

”Hindi naman have money will travel ‘yung nangyari sa baseball kundi they were sponsored by Nueva Ecija Governor Joson para makalaro sila sa Doha Asian Games,” wika ni Garcia.   

Sa inilatag na kriterya ng binuong Task Force SEAG kung saan co-chairman si Garcia kasama si Julian Camacho ng wushu federation, awtomatiko nang mapapabilang sa dele-gasyon para sa 2007 SEA Games ang mga gold at silver meda-lists ng 2005 SEA Games pati na ang mga gold medal winners ng 2006 Asian Games. 

Umabot na sa 277 ang bilang ng mga atletang isinama na sa national contingent para sa naturang biennial event sa Thailand, habang pinag-aaralan pa ng SEAG Task Force kung ikukunsidera ang mga bronze medalists ng 2005 SEA Games. 

Inumpisahan na kahapon ng SEAG Task Force ang paghihimay sa mga atletang idadagdag ng bawat NSA sa delegasyon para sa 2007 SEA Games. (Russell Cadayona)  

ASIAN GAMES

COMMISSIONER RICHIE GARCIA

GAMES

GARCIA

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with