^

PSN Palaro

It’s official: Lim, Isko win Manila race

- Evelyn Macairan -

TEHRAN — Muling yumuko ang San Miguel-RP sa Al Jalaa ng Syria, 109-77 sa 18th FIBA Asia Champions Cup sa Azadi Stadium dito.

Nawala ang mahika ng Nationals na kanilang gamit nang talunin ang Al Murharraq ng Bahrain para makarating sa quarterfinals at talunin ang paboritong Blue Star ng Lebanon para naman makausad sa semis.

Ang resulta, bumagsak ang Nationals para sa labanan sa ikatlong puwesto kontra sa Al Rayyan ng Qatar sa ganap na alas-4:15 ng hapon ng Linggo (8:45 ng gabi sa Manila) sa pagsasara ng 8-nation tournament.

”We feel really bad, but at the same time we’re determined to salvage third,” malungkot na wika ni RP coach Chot Reyes.

At kung anong posisyon man ang kalalabasan, mas mataas na ito sa ikalimang puwesto ng bansa na kanilang  nakamit sa Manila may dalawang taon na ang nakakalipas kung saan huling lumahok ang bansa sa taunang torneo bago nasuspindi ito ng FIBA.

Makakalaban naman ng Syrians ang Saba Battery ng Iran, na nakalusot sa Qataris, 74-70 sa isa pang laban sa semis, para sa titulo sa ganap na alas-6:30 ng gabi.

Umiskor ng 24 puntos si Mark Caguioa at 20 naman si Danny Seigle para sa National.

AL JALAA

AL MURHARRAQ

AL RAYYAN

ASIA CHAMPIONS CUP

AZADI STADIUM

BLUE STAR

CHOT REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with