School renamed after teacher who died in polls

Pinayuko ni Dennis Orcollo si Shane Van Boening ng US, 11-6 upang umabante sa finals ng 2007 Enjoypool.com 9-ball Championships sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Tinalo ng  28 anyos na si Orcollo ang kababayang si Jose ‘Amang’ Parica (11-8) habang pinayuko naman ni Boening ang kababayang si Mike Davis, 11-6 sa ikalimang match ng winner’s bracket.

Samantala, sa Kaohsiung, naging maganda ang pagbubukas ni Ronnie Alcano  sa group stage makaraang igupo si Nitiwat Kanjanasri ng Thailand, 9-4 sa 2007 Guinness 9-Ball Tour sa Kaohsiung Exhibition Center.

Gayunapaman, hindi naman pinalad ang dalawa pang Pinoy na sina Alex Pagulayan at Antonio Lining sa kanilang unang asignatura.

Yumuko ang beteranong cue master na si Lining kay Chao Fong-Pang ng Chinese-Taipei  9-7 habang iginupo naman ni Ricky Yang ng Indonesia si Pagulayan, 9-4.

Show comments