Warat na sapatos ni Cinderella(112)
Naging sandata ang pinagsamang lakas nina Amy Guanco at Manilla Santos para sa magan-dang panimula ng uma-asam ng 4-peat na La Salle, para walisin ang Far Eastern University, 25-16, 25-17, 25-21, upang ma-kasama ang San Sebas-tian at Lyceum sa maa-gang liderato sa Shakey’s V-League, sa The Arena sa San Juan City.
Maagang naglista ng tagumpay ang NCAA back-to-back champion
Pinagsama-sama nina import Jaroensri Bualee, Laurence Ann Latigay at Rysabelle Devanadera ang kanilang lakas tungo sa ‑ 24-26, 25-16, 25-18, 25-15 panalo laban sa Letran.
Sa kabilang dako, nagtulungan naman sina guest player Josielyn Degorostiza at mainstay Sherrilyn Carrillo ng Lyceum upang igupo ang Ateneo, 28-26, 25-23, 22-25, 25-23, sa isang oras at 45 minutong laro sa torneong hatid ng Shakey’s Pizza at inor-ganisa ng Sports Vision Management Group Inc.
Nauna rito, malugod na tinanggap ni San Juan city mayor JV Ejercito ang organizers, sponsors at partisipante ng event na ito sa kanilang bagong bahay sa The Arena kung saan binigyan din ng parangal ang yumaong SVMGI president at dating PBA commissioner Jun Bernardino.
Ang opening ceremonies at La Salle-FEU game ay mapapanood sa NBN-4 ngayong alas-2 ng hapon habang ang SSC-Letran game naman ay mapapanood bukas ng alas-2 din ng hapon at ang Lyceum-Ateneo naman ay sa Lunes.
Ang iba pang dumalo sa opening day ang biyu-da ni Bernardino na si Mimi at mga anak na sina Vera, Kristine, Nolan at asawang si Marga, Shakey’s president and CEO Leo Prieto Jr., Shakey’s general manager Vic Gregorio, Shakey’s consultant Chukri Prieto, at SVMGI officials na sina chairman Moying Martelino, vice president Ricky Palou, treasurer-director Elmer Yanga, director Rhea Navarro at tournament director Tony Boy Liao.
- Latest
- Trending