Mahigpit ang naging labanan ng dalawang koponan na nagtabla sa 2-all hanggang ikapat na inning.
Ngunit sa 5th inning nagbago ang sitwasyon nang pumuwesto si Louie San Miguel sa ikatlong base at si Joel Bacay naman sa second para sa Brgy. San Jose.
Isang matulis at mainit na line drive ni Sammy Siquilod patungo sa centerfield ang naghatid kay San Miguel sa go-ahead run at naka-iskor naman si Bacay patungo sa homeplate para sa 5-2 kalamangan ng San Jose.
Dahil sa kanilang panalo, isinubi ng nagkampeon na Brgy. San Jose ang premyong P50,000 at malaking tropeo habang nakuntento na lamang ang Brgy. BYT-Lodlod sa P30,000 at tropeo bilang runner-up sa torneong sinaksihan ni Transportation secretary Leandro Mendoza. Nangako si Mendoza na tutulong sa Lipa na magbid para sa pagtatanghal ng susunod na ASAPhil National Open Championship.
Pumangatlo naman ang Banay-Banay team na tumanggap ng P20,000 at tropeo, at ikaapat ang San Sebastian na nagbulsa ng P15,000.
Nagkampeon naman sa Group B ang Tampog at Tamway ang pumangalawa. (Anatoly dela Cruz)