^

PSN Palaro

Barangay San Jose kampeon

-
Lipa City --Isang throwing error ni centerfielder Christian Jeero ang naging malaking pagkakamali at nagsilbing dahilan para maagaw ng Bgy. San Jose ang korona sa BYT-Lodlod, 8-6 sa Ambassador’s Cup softball championship sa Brgy. Banay Banay field dito.

Mahigpit ang naging labanan ng dalawang koponan na nagtabla sa 2-all hanggang ikapat na inning.

Ngunit sa 5th inning nagbago ang sitwasyon nang pumuwesto si Louie San Miguel sa ikatlong base at si Joel Bacay naman sa second para sa Brgy. San Jose.

Isang matulis at mainit na line drive ni Sammy Siquilod patungo sa centerfield ang naghatid kay San Miguel sa go-ahead run at naka-iskor naman si Bacay patungo sa homeplate para sa 5-2 kalamangan ng San Jose.

Dahil sa kanilang panalo, isinubi ng nagkampeon na Brgy. San Jose ang premyong P50,000 at malaking tropeo habang nakuntento na lamang ang Brgy. BYT-Lodlod sa P30,000 at tropeo bilang runner-up sa torneong sinaksihan ni Transportation secretary Leandro Mendoza. Nangako si Mendoza na tutulong sa Lipa na magbid para sa pagtatanghal ng susunod na ASAPhil National Open Championship.

Pumangatlo naman ang Banay-Banay team na tumanggap ng P20,000 at tropeo, at ikaapat ang San Sebastian na nagbulsa ng P15,000.

Nagkampeon naman sa Group B ang Tampog at Tamway ang pumangalawa. (Anatoly dela Cruz)

BANAY BANAY

BRGY

CHRISTIAN JEERO

GROUP B

ISANG

JOEL BACAY

LEANDRO MENDOZA

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with