^

PSN Palaro

Isa pang Pinoy boxer sasabak sa eliminator para sa world title fight

-
Matapos si super bantam-weight Rey "Boom Boom" Bautista, isa pang Filipino fighter ang sasabak sa isang eliminator patungo sa hina-hangad na world championship fight.

Nakatakdang sagupain ni light flyweight Bert Batawang si Francisco Rosas ng Mexico sa Mayo 26 sa Anaheim, California, USA kung saan ang kanyang panalo ay manga-ngahulugan ng isang title shot.

Kasalukuyang suot ni Mexican Ulises Solis, kapatid ni super featherweight Jorge Solis na pinabagsak ni Filipi-no international super featherweight champion Manny Pac-quiao, ang International Boxing Federation (IBF) light flyweight crown.

Nakakuha na si Batawang ng US visa mula sa American Embassy sa Manila kasabay ng kanyang trainer na si Jeremiah Quijano upang makabiyahe sa US sa susu-nod na linggo.

Matatandaang inayawan ng kampo ni Rosas ang naturang eliminator fight nila ni Batawang sa paghingi ng mas malaking premyo.

Ngunit nagbago ang isip ng naturang grupo nang ihayag ng IBF na nakataya sa nasa-bing laban ang paghahamon kay Solis.

Ito naman ay pinatoto-hanan ni international matchmaker Sampson Lewkowicz, nasa corner ni Sergio Manuel Medina ng Argentina nang talunin ito ng 20-anyos na si Bautista sa kanilang super bantamweight eliminator noong Linggo sa Las Vegas, Nevada.

Sa panalo ni Bautista, sasagupain niya si World Boxing Organization (WBO) super bantamweight titlist Daniel Ponce De Leon ng Mexico.

Ang Batawang-Rosas eliminator naman ay undercard sa banggaang Joan Guzman-Michael Katsidis fight at Oscar Larios-Jorge Linares bout sa Mayo 26 sa Anaheim, California. (Russell Cadayona)

AMERICAN EMBASSY

ANG BATAWANG-ROSAS

BATAWANG

BAUTISTA

BERT BATAWANG

BOOM BOOM

DANIEL PONCE DE LEON

FRANCISCO ROSAS

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JEREMIAH QUIJANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with