Tigers di-umubra sa Express

Lumabas ang karakter ng Air21 lalo na sa huling maiinit na segundo ng laba-nan kung saan epek-tibong depensa ang ka-nilang ipi-namalas upang mai-takas ang 86-85 panalo kontra sa Coca-Cola sa pag-usad ng Talk N Text PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum kagabi.

Isang puntos la-mang ang kalamangan ng Express, 86-85, may pitong segundo ang natira sa huling posesyon ng Tigers nang pigilan nilang makapag-convert ang kalaban upang isulong ang kani-lang record sa 9-4win-loss slate upang manatiling na-sa likod ng league leader na Barangay Ginebra na may 9-4 kartada.

Tinulungan ni import Shawn Daniels si Arwind Santos sa pagbabantay kay John Arigo upang pigilan itong maka-attempt.

Naipuwersa ni Santos ang jumpball laban kay Santos kung saan naubos ang orasna naging sanhi ng ikawalong talo ng Coke sa 13-laro.

"We need wins like this. We are able to build our character going to the last five games which are very tough," pahayag ni coach Bo Perasol ng Air21.

Tumapos si Gary David ng Air21 na may 20-puntos, limang rebounds, dalawang assists at tatlong steal para sa Air21 na nakabawi sa 111-123 pagkatalo laban sa Tiger sa kanilang unang pagki-kita noong April 13.

Tumapos lamang si Daniels ng 13 puntos ngunit mayroon itong18-rebounds, anim na assists at tatlong steals kumpara kay Coke import Jeff Varem na may 24-puntos, 24-rebounds at tig-apat na assists at steals na sine-gundahan ng 23 ni John Arigo at 16 ni Ali Peek.

Samantala, magbabalik naman ang PBA sa The Arena sa San Juan sa pagsasagupa ng Talk N Text at kulelat na Welcoat Paints sa alas-7:00 ng gabi.

Show comments