^

PSN Palaro

Nagbago ba ang laro ng RP Team matapos ang magastos nilang training sa US?

SLAMDUNKER - Nap Gutierrez -
Nakita nyong naglaro kagabi ang ating RP national basketball team laban sa mga imports ng PBA.

Pakisagot po--May nagbago ba sa laro nila?

May naging ala-Steve Nash na ba sa kanila matapos ang magarbo at magastos nilang special training sa US?

Naging kamangha-mangha ba sila pagkatapos ng daan-daang libong ginastos nila sa kanilang ma-ambisyosong training sa ibang bansa?

Was all the money spent in the US worth it?

Puwede na bang talunin ang China?

Ang mga tunay na marunong sa basketball ay isang matunog at malutong na tawa at halakhak lang ang isasagot sa mga tanong na yan.

As in — Hahahahahahahahahaha!
* * *
Natutuwa naman kami sa kinahinatnan ng love affair nina Kris Aquino at James Yap ng Purefoods.

Nagkasala si James at pilit na humingi ng tawad.

Humingi ng second chance.

Mabuti na lang at pinili ni Kris na magpatawad, magmahal at muling buksan ang kanyang puso.

Mabubuo na niyang muli ang pamilya niyang muntik na muntik nang winasak ng mga intriga.

Pinili niyang bigyan ng second chance ang isang taong umamin na nagkasala at pilit na isinangtabi ang pride at magiting na nagpakumbaba sa ngalan ng pag-ibig.

We hope the happy ending will last for a long time.
* * *
Bakit daw ba nagkahiwalay ang isang basketball couple na noon ay mistulang isang ideal couple?

Matindi ang dahilan. Nalaman ni misis na ang kanyang mister ay pumatol sa misis ng isang sikat na basketball player. Hindi siya makapaniwala nung marinig niya ang balitang ang kanyang mister na basketball player ay may kaulayaw at ang pinatulan pa nito ay ang misis nga ng isa pang player na bukod sa hindi maganda eh ang taba pa.

Ang misis naman, gumanti. Naghanap siya ng "shoulder to cry on" at ang sumaklolo sa kanya ay isa ring PBA player na hindi naman kagandahang lalake pero well-endowed at malakas ang appeal. Isa siya sa best friends na player ng kanyang asawa kaya ganun na lang sila ka-close. And well, what do you know, may nangyari nga sa kanila. Pumatol din si misis kay PBA player. Akala ni misis eh hindi ito mababalitaan ng kanyang mister.

Nagkamali siya. Kaya nung mabalitaan naman ito ni mister, nag-alboroto siya at inaway ang misis niya. At dyan nag-ugat ang lahat.

Ngayon, hiwalay na sila at parang imposible na raw na magkabalikan pa sila.

vuukle comment

BAKIT

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

HUMINGI

JAMES YAP

KRIS AQUINO

MISIS

STEVE NASH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with