^

PSN Palaro

Peñalosa, ayaw sa pulitika

-
Kumpara kay Filipino world boxing hero, mas pinili ni dating world super flyweight champion Gerry Peñalosa na umiwas sa pulitika.

Noong nakaraang eleksyon ay hinikayat ang 34-anyos na si Peñalosa na tumakbo para sa isang council seat sa Cebu City. Ngunit ito ay kanyang inayawan.

"Wala sa isip ko ang pumasok sa pulitika. Talagang ayaw ko ‘yan. Gusto nila akong patakbuhin pero ako mismo ang nagsabi na ayaw ko diyan dahil wala naman akong maitutulong at talagang hindi ko linya ‘yan," wika ni Peñalosa.

Ayon kay Peñalosa, dating naghari sa super flyweight division ng World Boxing Council (WBC), sa boxing lamang nakatutok ang kanyang atensyon at hindi ang pagpasok sa pulitika kagaya ng 28-anyos na si Pacquiao.

Sa kabila ng pag-ayaw sa pulitika, tumutulong naman si Peñalosa sa pangangampanya ni Pacquiao sa South Cotabato para sa isang Congressional seat.

"Tinutulungan ko na lang itong kumpare ko sa pangangampanya at pati na rin ‘yung kapatid ng asawa ko para sa konseho," ani Peñalosa.

Habang nangangampanya para sa kumpareng si Pacquiao, tuloy pa rin ang pag-eensayo ni Peñalosa para sa isang championship fight sa Hulyo kontra kay World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Jhonny Gonzales.

Ang laban nina Peñalosa at Gonzales ang sinasabing magiging tampok sa pinaplanong "RP vs Mexico World Cup" sa Cebu City. (Russell Cadayona)

ALOSA

CEBU CITY

GERRY PE

JHONNY GONZALES

MEXICO WORLD CUP

NTILDE

PACQUIAO

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with