Salvacion, De Ocampo PBA co-Players of the Week

Napiling PBA Press Corps Accel-TNT co-players of the Week para sa Linggo ng May1-6 sina Sunday Salvacion at Yancy de Ocampo.

Si Salvacion ay naging sandata ng Gin Kings sa kanilang pagsungkit sa ikaanim na sunod na panalo laban sa Air21, 135-115 noong nakaraang Sabado sa Holy Angel University Gymnasium sa Angeles City.

Kumana ito ng 11-of-18 sa field kabi-lang na ang 5-of-7 sa three point area upang umiskor ng 28 puntos sa likuran ng kanilang import na si Rod Nealy na may 32.

Sa kabilang dako naman, impresibo din ang perfomance ni De Ocampo nang talunin ng Talk N Text ang Red Bull, 127-100 noong Biyernes sa Araneta Coliseum nang palawigin ng Phone Pals ang kanilang panalo sa apat.

Kinumplementuhan ng kaliweteng 6’9 ang magan-dang performance nina JJ Sullinger (35 points-12 rebounds) at Mark Cardona (12 points) sa kanyang inilistang 25 puntos at career-high 22 rebounds.

Sa kasalukuyan, ang Gin King ay may hawak na 10-2 win-loss slate para manguna habang ang Phone Pals naman ay nasa gitna sa kanilang 7-5 baraha.

Show comments