Lady Falcons nakabawi na sa Lady Maroons
May 7, 2007 | 12:00am
PASIG City  Bumanat ng anim na run ang Adamson U Lady Falcons sa 1st inning upang paluhurin ang University of the Philippines Lady Maroons, 8-0 sa pinaigsing 5-inning na laro kahapon para makopo ang korona ng ASAPhil Youth Open Softball championships sa Rosario Sports Complex dito.
Nakaganti ang Lady Falcons sa UP na dalawang beses na nagkait sa kanila ng korona (Sa National Open at sa Inter-collegiate), sa pamamagitan ng pagkontrol ni pitcher Nelsa Delagente ng 2-hitter na walo ang pinatse.
Apat na hits kaagad ang ikinamada ng Lady Falcons na nagbunga ng anim na run, kasama na dito ang tig-dalawang RBI (runs batted in) nina Delagente at Joyce Payongayong.
Hindi pa nakuntento ang Lady Falcons sa kalamangan na anim na runs, tumirada pa ito ng dalawang runs sa 3rd inning upang makumpleto ang 8-run na kalamangan sa loob ng limang inning para sa ‘mercy rule’ na nagkaloob sa kanila ng maagang tagumpay.
Samantala, apat sa pitong award ang nakuha ni Charmain Dionisio ng UST nang makopo nito ang Most Valuable Player Award, Best Hitter, Best Slugger at Most RBI award. Most homerun si Fresca Catigas ng Laguna, si Zeny Badajos naman sa Most Stolen base at ang Best Pitcher ay nagtungo kay Delagente.(Anatoly Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended