^

PSN Palaro

Split decision kay Mayweather

-
LAS VEGAS — Gustong ma-knockdown ni Floyd Mayweather Jr. si Oscar De La Hoya ngunit nakuntento lamang ito na makuha ang panalo.

Nagwagi si Mayweather sa isa sa pinakamayamang laban sa boxing sa pamamagitan ng kanyang impresibong defensive skills at bilis para sa 12-round split decision at makopo ang WBC Super Welterweight title sa kanyang kauna-unahang pagsabak sa 154lbs. category.

Natapos ang laban ng dalawang ipinagmamalaking kampeon, na nakatayo ang sellout crowd na 16,200 sa MGM Grand Garden at nagsisigawan para sa dalawang boksingero na nagpapalitan ng suntukan bago tumunog ang final bell bago sila tumigil at nagyakapan.

Lamang si Mayweather na binu-boo ng crowd na pabor na pabor kay De La Hoya, sa unang score-card sa 116-112 at sa pangalawa, 115-113 at sa ikatlo si De La Hoya, 115-113.

Nanatiling walang talo si Mayweather sa 38-fights na kumita ng US$10 milyon at US$25 milyon naman kay De La Hoya.

vuukle comment

DE LA HOYA

FLOYD MAYWEATHER JR.

GRAND GARDEN

GUSTONG

LAMANG

MAYWEATHER

NAGWAGI

OSCAR DE LA HOYA

SUPER WELTERWEIGHT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with