SI SANTOS ANG SUSI
May 5, 2007 | 12:00am
BAGAMAT second round na ng eliminations ng Talk N Text-PBA Fiesta Conference ay ngayon pa lamang maghaharap ang Barangay Ginebra at Air 21 Express dalawang koponang namamayagpag sa torneo. At ang kanilang duwelo ay maga-ganap sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.
Ang tanong ay ito: Kanino kakampi ang mga kapampa-ngang PBA fans?Sa Barangay Ginebra ba na siyang pinaka-sikat na koponan sa bansa?
O sa Air 21 kung saan naglalaro ang isa sa paboritong "anak" ng Pampanga na si Arwind Santos? Siguradong magpa-pakitang-gilas si Santos sa kanyang mga kababayan at dadayuhin ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan ang laro.
Natural na ayaw ni Santos na mapahiya sa kanilang lugar!
Ipinagbunyi ng mga taga-Pampanga ang pangyayaring si Santos ang siyang naging Most Valuable Player sa Rookies-Sophomores Blitz Game ng nakaraang PBA All-Star Week na ginanap sa Pacoy Ortega Gym sa San Fernando, La Union. Isang malaking karangalan iyon para sa kanila.
At sa tutoo lang, pinapangarap din ng mga taga-Pampanga na si Santos ang siyang itanghal na Rookie of the Year sa pagtatapos ng kasalukuyangs eason.
Posibleng mangyari ito. Ang pinakamahigpit na karibal ni Santos para sa naturang award ay ang Fil-American na si Kelly Williams, ang top pick sa Draft.
Si Williams ang siyang leading local performer ng Sta. Lucia Realty.
Subalit nanganganib ang Realtors na hindi makalusot sa elimination round dahil sa nasa ikasiyam na puwesto sila sa kartang 3-8.
Mas maganda lang ito ng kaunti kaysa sa 2-9 ng na-ngungulelat na Welcoat Dragons.
Kung madidiskaril ang Sta. Lucia at aabot naman sa itaas ang Air 21, aba’y malaki ang pag-asa ni Santos na maging Rookie of the Year!
Mamaya nga’y puntirya ng Air 21 ang makasalo sa unang puwesto ang Ba-rangay Ginebra.
Ito’y mangyayari kapag tinalo nila ang Gin Kings.
Tiyak na si Santos ang magiging tampulan ng de-pensa ng Barangay Ginebra mamaya.
Kasi nga’y kapag nag-init si Santos ay baka sakaling hindi mapunta sa panig ng Gin Kings ang crowd support.
Baka bumuwelta ito sa panig ng Express. At iyon ang ayaw na mangyari ng Gin Kings.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended