Magaan na tinalo ng RTU ang Ateneo, 9-2 nang walo sa 3-hitter game ang pinatse ni Rizel Custodio at paulanan ng RTU ang Lady Eagles ng 10 hits para sa kanilang panalo.
Sa kabilang dako, kinailangan naman ng Tigresses ng anim na run sa ika-6th inning bago gapiin ang Rizal Province, 5-4 sa kanilang unang laban.
Gayunpaman, sa ikalawang laro nila, magaan nilang binokya ang Makati, 10-0 para sa ikatlong panalo nila.
Kapwa nagtapos ang RTU at UST nang may 3-1 panalo-talo karta, ngunit ayon sa ruling, ang team na mananalo sa kanilang laban ang siyang bibigyan ng mas mataas na ranking.
Sa bakbakan sa group B, naungusan ng Adamson U Lady Falcons ang UP Lady Maroons, 2-1 upang magkaroon ng triple tie ang Adamson U, UP at Laguna.
Madedetermina ang rankings ng tatlo sa runs na kanilang naitala at nakuha ito ng Laguna na may pinakamaraming runs sa 9. Kasunod ang UP na may 4 runs at huli ang Adamson na may 3.
Dahil dito,maghaharap sa semis ang RTU (No. 3) at ang UST (No. 4) na ang mananalo ay makakasagupa naman ang matatalo sa Adamson U-UP. (Anatoly dela Cruz)