AFP-PNP sanib puwersa vs political killings
Habang hinihintay ang tulong ng FG Foundation ni First Gentleman Atty. Mike Arroyo ay ang Philippine Sports Commission (PSC) muna ang gagastos para sa 25 hanggang 45 national athletes na bahagi ng Olympic training program.
“Ready na kami to send these athletes to China. Mayroon na kaming contingency plan habang hinihintay natin ‘yung tulong ni First Gentleman,” ani PSC chairman William “Butch” Ramirez kahapon.
Hangad ng nasabing training program na masik-wat ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Olympic Games sa Beijing, China sa Agosto ng 2008. Bago maratay sa sakit, ipinangako ni Atty. Arroyo na magtatakda siya ng isang pledging session sa Malacañang sa hanay ng mga negos-yante para tumayong ‘Godfather’ ng mga atleta.
”Hindi namin ‘yan pinoproblema. We will just reduce the duration of stay of our athletes para mapagkasya namin ‘yung budget namin for this Olympic training program,” wika ni Ramirez.
Pondong P250 milyon ang nauna nang inestima ng sports commission na magagastos para maipatupad ang naturang training program patungo sa pagsungkit sa mailap na Olympic gold medal ng bansa.
Naantala ang pagbiyahe ng mga atleta ng wushu, gymnastics, diving, swimming, weightlifting at fencing sa China nitong buwan dahilan sa kabiguan ng mga National Sports Associations nitong maibigay sa PSC ang profiles ng bawat atleta. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending