Nagposte si Reyes, ang 1999 World Pool champion, ng premyong $39,350 sa ilalim ng $47,200 ni 2007 Amway Women’s 9-Ball champion Xiao-Ting Pan ng China at $47,100 ni American Johnny Archer.
Naagaw ni Xiao, tinalo si Filipina Rubilen Amit sa finals ng nakaraang Amway Women’s 9-Ball sa Chinese-Taipei, ang No. 1 spot kay Archer.
Maliban kay Reyes, ang lima pang Filipino cue masters na nasa money list ay sina No. 5 Ronato Alcano ($30,900), No. 11 Warren Kiamco ($20,550), No. 12 Francisco "Django" Bustamante ($20,000), No. 13 Dennis Orcollo ($18,300) at No. 15 Rodolfo Luat ($17,100).
Si Alcano ang kasalukuyang hari sa World Pool matapos pagharian ang nakaraang torneo.
Bukod kay Xiao, ang isa pang female billiards player na nasa Top 20 ay si Jeannette Lee ng United States mula sa pagiging fourth placer nito sa nakolektang $33,000.
Ang iba pang nasa Top 20 ay sina No. 6 Corey Deuel (USA / $29,310), No. 7 George Breedlove (US/$29,100), No. 8 Niels Feijen ( Netherlands / $24,250), No. 9 Kelly Fisher (England / $24,050), No. 10 Ga Young Kim ( Korea /$23,600), No. 14 Mika Immonen (Finland / $18,250), No. 16 Steve Moore ( USA /$16,950), No. 17 John Schmidt ( USA /$16,500), No. 18 Jung-Lin Chang (Chinese-Taipei/$15,000), No. 19 Shannon Daulton ( USA /$14,850) at No. 20 Jason Miller (USA /$14,550). (Russell Cadayona)