^

PSN Palaro

3rd win kinana ng Batang Pier

-
Inilista ng defending champion Harbour Centre ang kanilang ikatlong sunod na panalo maka-raang igupo ang San Miguel-Magnolia, 79-72 kahapon sa pagpapatuloy ng PBL Unity Cup sa The Arena sa San Juan City.

Ang malaking pagka-dismaya ni JC Intal kama-kailan ay kanyang binawi nang trangkuhan nito ang Batang Pier sa kanyang kinanang 15 puntos, 5 re-bounds, 3 steals at isang assist na pinakamaganda niya sa season-ending tournament na ito.

Tatlo pang Harbour Centre players ang pu-moste ng doble figures na binanderahan ni Jason Castro ng 10 puntos, 8 rebounds at 4 assists sa loob ng 24 minutong paglalaro.

May pinagsamang 25 puntos naman sina Ryan Araña at Chico Lanete.

Sa ikalawang laro, nagpakawala ng tres ang three-point king na si Patrick Cabahug may 26.3 segundo na lamang ang nalalabi at itala ang kapana-panabik na 78-71 panalo ng Toyota Balinta-wak laban sa inaalat na Henkel Sista.

vuukle comment

BATANG PIER

CHICO LANETE

HARBOUR CENTRE

HENKEL SISTA

JASON CASTRO

PATRICK CABAHUG

RYAN ARA

SAN JUAN CITY

SAN MIGUEL-MAGNOLIA

TOYOTA BALINTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with