Wala pang kriterya para sa pagpili ng delegasyon
April 28, 2007 | 12:00am
Habang buo na at nagsasanay na ang mga atleta ng ilang bansa para sa darating na 24th Southeast Asian Games sa Thailand, wala pa ring desisyon ang Philippine Olympic Committee (POC) ukol sa kriteryang gagamitin sa pagpili ng delegasyon.
Ayon kay Task Force SEA Games chairman Julian Camacho ng wushu federation, hihintayin pa nila ang resulta ng pulong ng SEA Games Federation (SEAGF) sa Mayo 16 sa Bangkok, Thailand.
"Pagbalik namin dito after that meeting we will set the final criteria," wika ni Camacho, katuwang si Commissioner Richie Garcia ng Philippine Sports Commission (PSC). Sa huling pagli-lista ng SEA Games Task Force, pumatak sa 282 ang bilang ng mga atletang kuwalipikado sa kanilang inisyal na kriterya.
Ang nasabing kriterya ay ang mga national athletes na nanalo ng gold at silver medal sa nakaraang dalawang edisyon ng SEA Games sa Vietnam noong 2003 at sa Pilipinas noong 2005 at ang mga gold, silver at bronze medalists ng nakaraang 2006 Doha Asian Games sa Qatar.
Sinabi naman ni POC chairman Robert Aventajado ng taek-wondo association na ipapanalisa na nila ang kriteryang gaga-mitin para sa mga susunod na SEA Games at Asian Games.
"We will try to institutionalize the criteria to be use for the coming Southeast Asian Games and Asian Games para hindi na magulo," sabi ni Aventajado. Ang Team Philippines ang magdedepensa ng overall championship sa 2007 SEA Games sa Thailand sa Disyembre. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended