^

PSN Palaro

Sophomores pinasiklaban ng Rookies

-
BAGUIO City -- Pagkata-pos magbigay aliw sa San Fer-nando La Union, ang malamig na summer capital ng bansa naman ang pag-iinitin ng mga PBA Stars.

Dumating na kahapon ang delegasyon ng PBA para sa pagdaraos ng tampok na event na North versus South All Star game sa Linggo sa University of Baguio gym na tatapos ng isang linggong kasiyahan sa All Star week.

Nagpasiklab ang mga PBA stars kamakalawa sa Pacoy Ortega Gym kung saan idinaos ang mga Skills events tampok ang slam dunk event na pinagharian ni KG Canaleta sa ikatlong sunod na taon at ang Blitz game kung saan pina-kitaan ng mga Rookies ang mga Sophomores sa pama-magitan ng impresibong 122-107 tagumpay.

Matagumpay na naide-pensa ng Air21 leaper na si Canaleta ang kanyang titulo matapos talunin sa finals si Jay Washington ng Talk N Text.

Sa una nitong dunk, du-makdak siya mula sa free throw line kung saan nilunda-gan nito ang isang mamang gumagamit ng cellphone.

Sinundan niya ito ng wind-mill side-winder na hinangaan ng punum-punong gym sa tabing dagat.

Nakopo naman ni Willie Miller ang back-to-back title sa Obstacle challenge, Si Dondon Hontiveros ang tinanghal na bagong three point king at si Dennis Miranda naman ang naghari sa trick shot.

Nagbida si Arwind Santos sa pagkamada ng 31-puntos para sa Rookies na agad umabante sa 23-6 upang itakda ang tempo ng laro.

Samantala, tinatayang P70,000 ang nanakaw mula kay Vergel Meneses sa Puerto San Juan kung saan tumira ang PBA delegation sa La Union. Habang nasa gym si Meneses para mag-judge sa slam dunk contest, nilooban ang kanyang kuwarto para kunin ang dalawang ipod at tatlong cellphone ng kanyang mga anak.

ALL STAR

ARWIND SANTOS

CANALETA

DENNIS MIRANDA

JAY WASHINGTON

LA UNION

PACOY ORTEGA GYM

PUERTO SAN JUAN

SAN FER

SI DONDON HONTIVEROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with