RTU nagtala ng doble panalo
April 27, 2007 | 12:00am
Pasig City - Nagtala ng kambal na panalo ang RTU kahapon nang pada-pain nila ang Bulacan, 11-2 at isunod ang PUP, 10-2 upang pumasok sa finals ng ASAPhil Inter-Collegiate Softball cham-pionship na hatid ng Cebuana Lhuillier sa Rosario Sports Complex dito.
Nilimita ni Marlon Pagkaliwagan sa 2 hit ang kulang sa karanasang Bulacan State U ngunit pinupog ng kanyang mga kasamahan ang pitcher ng kalaban upang tapusin ang laro sa 3rd inning pa lang.
Makalipas ang isang oras, nagbalik ang mga bataan ni coach Noel Buma-gat upang banatan naman ang pumapangalawang PUP, 10-2.
Sa kababaihan, itinala ng Adamson U at UP ang kani-lang ikatlong panalo upang mapanatiling malinis ang baraha at magsosyo sa liderato.
Tumirada ng 5 runs sa unang inning ang Lady Falcons kasama ang 3-run homerun ni Anavic Jugos patungo sa 7-4 na panalo kontra UST Lady Tigers.
Sa kabilang dako, ang Lady Maroons ng UP ay halos hindi pinagpawisan ng pataobin nila ang De La Salle U Lady Pirates, 12-4.
Sa iba pang laro, sumikwat ng 3-run homerun si Aiza dela Torre sa ikaapat na inning nang talunin ng UST ang RTU, 9-2. (Anatoly dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 23, 2024 - 12:00am