RTU nagsosolo
April 26, 2007 | 12:00am
PASIG CITY Pumukol si pitcher Marlon Pagkaliwagan ng 2-hitter nang itala ng RTU ang magaan na 8-2 panalo kontra PUP kahapon sa ASAPhil Inter-collegiate Men and Women’s softball championships na hatid ng Cebuana Lhullier sa Rosario Sports Complex.
Dahil sa kanilang panalo, nagsosolo ngayon ang RTU sa liderato sa kartang 2-0 panalo-talo.
Matapos maka-iskor ng homerun sa unang inning, kasama na dito ang 2-run home run ni Esmer Azucena, hindi na nalagay sa panganib ang RTU dahil nakontrol ni Pagkaliwagan ang laro.
Pagkatapos ng isang oras, bumalik naman ang PUP at ibinunton ang galit upang walang awang pagulungin ang Bulacan, 20-1.
Sa kababaihan, muling nakaligtas ang Adamson U nang magtala ito ng isang come-from-behind 13-10 panalo laban sa RTU.
Agad umabante ang Lady Falcons nang anim na run sa unang inning sa pamamagitan ng tatlong htis at dalawang error.
Nakisosyo ang Adamson ang University of the Philippines na nanaig sa RTU, 7-2 para sa 2-0 panalo-talo karta.
Sa isa pang laro, nilimita ng fast ball artist na si Gedda Valencia ang De La Salle U sa 2 hits nang itala ng UST, 3-1 panalo laban sa Lady Archers. (Anatoly dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am