Ikalawang sunod na panalo asam ng Batang Pier
April 26, 2007 | 12:00am
Talo sa unang laban, dumaan sa butas ng karayom bago makuha ang panalo sa ikalawang laro ngunit nabuhayan ang defending champion Harbour Centre.
At hangad ng mga Batang Pier na ituluy-tuloy ang kanilang magandang kapalaran sa pagpapatuloy ng 2007 PBL Unity Cup sa Olivarez College Sports Centre ngayon.
Sasagupain ng Port Masters ang Henkel-Sista sa opening game sa alas-2:00 ng hapon at susundan ito ng engkwentro ng Cebuana Lhuilier-Kwarta Padala at Toyota Balintawak sa alas-4:00.
Sa pagbubukas ng kampanya ng mga Batang Pier para sa ikatlong sunod na titulo, nilagok nila ang masaklap na 77-81 pagkatalo laban sa Burger King na siyang kasalukuyang lider sa torneong ito taglay ang malinis na 3-0 record.
Nahirapan man ang Port Masters na hugutin ang 81-78 panalo laban sa Dazz ‘Sang Patak, malaking bagay ito para sa Harbour Centre para tumaas ang kanilang morale.
Hangad naman ng Cebuana na makabangon sa pagkatalong dumungis ng kanilang malinis na record kaya sila bumagsak sa ikalawang puwesto taglay ang 2-1 kartada.
Makakasagupa nila ang Roadkings na galing sa 66-51 pamamayani laban sa San Miguel Magnolia na nag-angat ng kanilang record sa 1-1 win-loss slate.
Sisikapin naman ng Moneymen na ibaon sa limot ang 69-80 pagkatalo sa Burger Whoppers na sumayang sa kanilang dalawang sunod na panalo. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am