Women boxers ikakasa sa Fiesta Fistiana
April 24, 2007 | 12:00am
Kumpiyansa si Manila Mayo Lito Atienza na dadagsain ang Fiesta Fistiana na nakatakda sa Linggo sa Rajah Suliaman kung saan tatampukan ng pinakamagagaling na boksingero sa bansa kabilang na ang kababaihan.
Magpapakitang-gilas ang mga babaeng boksingero sa isang malaking lugar kung saan makakalaban ni Baina Londo ng Puerto Princesa si Jessica Oyan ng Baguio City at Babay Keckok ng Puerto Princesa din laban naman kay Jujeath Nagawa ng Baguio.
"This is an interesting fight card and we are sure alot of people, even those who are not boxing fans, would be drawn to watch the fights," pahayag ni Atienza.
Ang Philippine Sportswriters Association, sa kooperasyon ng Games and Amusements Board at ng City of Manila, ang organizer ng event na ito na nais makalikom ng pondo at makapagbigay ng trabaho sa mga disabled boxer.
Magbibigay ng livelihood packages o pangkabuhayan karts imbes na cash sa mga piling boksingero. Ang pangunahing isponsor ay ang San Miguel Corp., Philippine Amusements and Gaming Corp. at Philippine Sports Commission (PSC) na libreng mapapanood.
Ito ay suportado din ng Philippine Airlines, SM, Caltex Philippines at ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ilan sa mga nakalinyang laban ay sa pagitan ni Philippine superbantamweight titlist Alex Escaner na galing sa second round na panalo kay Akio Konishi ng Japan, si RP No. 3 Jake Verano sa 12-round main bout.
Makakaharap naman ni Denver Cuello, ang 20-year-old na kaliwete na ikalawa sa RP straw weight division si Arman de la Cruz, 22, habang ang fourth-ranked super bantamweight Jun Talape ay makikipagpalitan ng kamao kay Johnny Lear.
Sa iba pang laban, maghaharap sina Jason Parater at Diosdado Perez at Jurland Ceniza vs Francis Borreros.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am