Bono haligi ng Cebuana Lhuillier
April 23, 2007 | 12:00am
Si Kenneth Bono ng Cebuana Lhuillier Pera Padala ang unang tatanggap ng Best Player of the Week award para sa 2007 PBL Unity Cup matapos niyang pangunahan ang Moneymen sa kanilang unang back-to-back wins sapul nang pumasok sa liga noong nakaraang taon.
Ang 6-foot-5 na si Bono ay nag-average ng 17.5 points, 7 rebounds at 3 assists per game bawat laro upang mapili ito ng PBL Press Corps para sa naturang citation.
"Ken is also sharing the ball to his teammates. When the going gets tough for him, Ken is not forcing the situation, he’s a good passer," ani coach Luigi Trillo.
Nagposte si Bono ng 18 points sa 76-74 panalo ng Cebuana kontra sa San Miguel-Magnolia noong Martes bukod pa sa 5 rebounds at 2 assists at nagsumite ito ng 17 points, 9 rebounds at 4 assists sa 80-67 panalo laban sa Henkel Sista.
Samantala, nakapasok naman sa win column ang Toyota Balintawak matapos ang 66-51 panalo kontra sa San Miguel Magnolia sa ikatlong laro kamakalawa sa The Arena sa San Juan kung saan nagbida si Patrick Cabahug na nagsumite ng 19-puntos. (MB)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended