^

PSN Palaro

Express delivery para kay Daniels

-
Niregaluhan ng Air21 ang team owner na si Bert Lina ng 102-94 panalo kontra sa Welcoat Paints sa pagbibida ni import Shawn Daniels na tumapos ng ikalawang triple double sa pag-usad ng Talk N Text PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum kagabi.

Naglista si Daniels ng 17 puntos, 22-rebounds at 11 assists para makabawi sa 99-103 pagkatalo sa kanilang unang pagkikita noong Marso 30 na nag-angat sa Express sa 7-3 record sa likod ng mga nangungunang Barangay Ginebra at defending champion Red Bull na kapwa may 8-2 record.

Gayunpaman, kasalukuyang nakikipaglaban ang Bulls sa Purefoods habang sinusulat ang balitang ito bilang main game kagabi.

"The mentality that we have going into this game is to get back at Welcoat," sabi ni coach Bo Perasol. "I think we played well enough but it’s just hard to stop Alex (Compton) from shooting those last second jumpers."

Tumapos si Compton ng 38-puntos kabilang ang 7-for-11 sa 3-point range upang punan ang pagkukulang ng kanilang import na si Rob Sanders na may 19-puntos ngunit hindi ito sapat para sa Dragons na lumasap ng ika-walong talo sa 10-laro na lalong nagbaon sa kanila sa kulelat na posisyon. (MBalbuena)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BERT LINA

BO PERASOL

COMPTON

FIESTA CONFERENCE

RED BULL

ROB SANDERS

SHAWN DANIELS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with