^

PSN Palaro

Lady Maroons kampeon sa Women’s Open softball

-
Pasig City -- Itinanghal na bagong Womens Open softball champion ang University of the Philippines matapos ta-lunin nito ang Adamson U sa iskor na 3-2 kahapon kaugnay sa ginaganap na ASAPhil National Open Men and Women’s soft-ball championship na pinamumunuan ni Jean Henri Lhuillier sa Rosario Sports Complex dito.     

Isang single ang ibinanat ni Jocelyn Gon-zales na nagpa-iskor kay Nimpa Baral sa 6th inning ang naging sanhi ng isang run na panalo ng Lady Maroons.     

Nakauna ang Lady Maroons ng dalawang run sa second inning mula sa two-run single ni Alexis Causapin, 2-0.

Nagsagawa naman ng isang rally sa huling inning ng ito ay magtala ng dalawang run sa pama-magitan ng tatlong hits, ngunit hanggang dito na lang ang kanilang naka-yanan dahil na rin sa pag control ng laro ni pitcher Dione Macasu.      

Una dito, pumukol si pitcher Nelsa Delagente ng 3-hitter nang blang-kuhin ng Adamson U Falcons ang RTU, 7-0 at makuha ang karapatang makasagupa ang UP Maroons.    

Samantala, tinalo ng H&B Cebu ang Zam-boanga, 4-3 para magka-roon ng karapatan na makaharap ang Pasig para sa korona bukas.    

Sa pagsimula ng labanan, pinasalubungan ni Boy Alvares ang mga Cebuanos ng isang malu-tong na solo homerun.     

Ngunit hindi naman pinatagal ang kalama-ngan ng Zamboanga na isang run nang paiskurin ni Manuel Bacarisas si Jasper Cabrera para sa nagtablang run.

Sa sumunod na inning umiskor ng go-ahead run ang Cebu sa pamama-gitan ng single ni George Adolfo at dinagdagan ng isa sa ikatlong inning sa RBI single ni Roldan Bacarisas para makalayo sa 3-1.

 Nakabalik naman ang Zamboanga nang sila ay umiskor ng tig-isang run sa 4th at 5th inning upang muling magtabla ang iskor hanggang sa dumating ang pagkakataon ni Roldan na magsilbing bayani ng Cebu team. (Adela Cruz)

vuukle comment

ADAMSON U

ADAMSON U FALCONS

ADELA CRUZ

ALEXIS CAUSAPIN

B CEBU

LADY MAROONS

RUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with