Bono nagpasiklab
April 22, 2007 | 12:00am
Nagpasiklab ang UAAP MVP na si Kenneth Bono upang pamunuan ang Cebuana Lhuillier-Pera Padala sa pagdo-mina sa Henkel-Sista tungo sa 80-67 panalo na nagbigay ng karapatan sa Moneymen na makisalo sa liderato sa pag-usad ng PBL Unity Cup sa The Arena sa San Juan kahapon.
Nagbida naman si Jason Castro para sa defending champion Harbour Centre para makabawi sa kanilang masamang debut game sa kumperensiyang ito sa pamamagitan ng 81-78 panalo laban sa Dazz ‘Sang Patak.
Kumamada si Bono ng 17-puntos bukod pa sa siyam na rebounds para sa ikalawang sunod na panalo ng Cebuana upang saluhan sa liderato ang walang larong Burger King.
Nagposte naman ang 5-foot-9 na si Castro ng 22-puntos at 10-assists na kanyang kinumpleto sa isang pasa para kay Chad Alonzo para sa three-point play para sa kompor-tableng 80-76 kalama-ngan patungo sa 6.7 segundo ng labanan.
Mainit ang simula ng Moneymen na agad uma-rangkada sa 53-29 kala-mangan sa halftime at hindi nila hinayaang ma-kalapit ang Super Sealers na lumasap ng ikalawang sunod na talo sanhi ng kanilang pagkakalubog sa ilalim ng team standings.
"We just played good defense in the first half. It was a collective team effort, everybody shared the ball," ani Cebuana Lhuillier coach Luigi Trillo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended