Adamson taob sa UP
April 21, 2007 | 12:00am
Pasig City Pumukol si Dionie Macasu ng anim na magkakahiwalay na hits na walang palitan at talunin ng University of the Philippines kahapon ang Adamson U Falconssa ASAPhil na pinamumunuan ni John Henry Lhuillier sa National Open softball championship sa Rosario Sports complex dito.
Dahil sa kanilang panalo, maghihintay na lang ang Lady Maroons ng makakalaban na mananalo sa pagitan ng RTU at Adamson U Falcons na maglalaban mamaya.
Nanaig ang RTU sa nagdedepensang kampeon na UST, 22-4.
Samantala, sa men’s softball, pinapasok ni Erwin Agustin si Ricky Macrohon sa 6th inning nang pataubin ng Zamboanga ang HPL-UPL Laguna Star, 4-3.
Dahil sa kanilang panalo, makakaharap ng Zamboanga ang alin mang team na matatalo sa laban ng Pasig at H&B Cebu’ na kasalukuyang naglalaro pa habang sinusulat ang balitang ito.
Ang mananalo sa Zamboanga at talunan sa Pasig- H & B Cebu ay siya naman makakaharap ng mananalo sa nasabing Pasig-H & B Cebu para sa titulo.
Ang UST na naagawan ng korona sa women’s softball ay makukuntento na lang sa 4th place samantala ang matatalao sa RTU-Adamson U ang ookupa ng ikatlong puwesto. (Anatoly dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am