^

PSN Palaro

Tanauan nakaganti sa ILLAM

-
TANAUAN CTY — Isang mapait na paghihiganti ang ipinalasap ng Tanauan Senior League (15-16) sa ILLAM nine kahapon sa pamamagitan ng 8-4 panalo sa 2007 Little League Philippine Series sa Loyola ground dito.

Pumukol ng one-hitter sa loob ng anim na inning si starting pitcher Aris Oruga at tinapos naman ni reliever Jayson Dimacutac sa pamamagitan ng pagdispatsa sa huling tatlong nakaharap niya para 8-4 panalo ng Tanauan.

"Ang panalo po namin ay iniaalay namin sa aming Lungsod at kay Toti Leus, ang Sports Development officer na nagdiriwang ng kaarawan ngayon" ani winning pitcher Oruga.

Tumirada ng tatlong malalaking run ang Tanauan sa ikatlong inning sa pamamagitan ng 2-run double ni Roy Salazar at rbi (run batted in) single naman ni Keneth Natividad at buhat duon ay hindi na nilingon sa likod ang ILLAM hanggang sa matapos ang laro sa score na 8-4.

Samantala, sa Major League (11-12) division ang Tanauan team ay umiskor ng 8 run sa 1st inning pa lang kasama na dito ang homerun nina Melvin Rosita at Russel Mendoza nang bugbugin nila ang Tuguegarao, 13-2 para umabante sa double-cross over semis.

Ang Tuguegarao ay hindi nakatikim ng kahit isang hit sa pinagsamang galing nina starter Cedric Returban, Russel Mendoza at Lester Vispo.

Sa diamond 2 naman, nagtala si EJay Gesmundo ng dalawang homerun na may kabuuan 6 na RBI upang pangunahan ang ILLAM sa 9-5 panalo sa Palayan City.

Ang pangatlong team na pumasok sa semifinals ay ang Marikina na nanaig sa Lipa City, 8-4 at ang ikaapat na team ay ang Muntinlupa sa pamamagitan ng 9-2 panalo sa Bulacan. (Adela Cruz)

ADELA CRUZ

ANG TUGUEGARAO

ARIS ORUGA

CEDRIC RETURBAN

JAYSON DIMACUTAC

KENETH NATIVIDAD

RUSSEL MENDOZA

TANAUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with