"Siyempre, maligaya ka-ming lahat dito. Hindi binigo ng Panginoon ang hiniling ko na bigyan niya ng lakas ang aking anak at bigyan ng kaligayahan ang mga Pilipino," sabi ng 57-anyos na si Aling Dionisia.
Nagkulong si Aling Dionisia sa prayer room ng mansyon ni "Pacman" sa General Santos City kung saan niya ginugol ang kanyang oras sa pagdarasal. Nang malaman mula sa isang kasambahay na nanalo si Pac-quiao, napaluhod at napaiyak na lamang si Aling Dionisia.
"Nakita naman natin talaga na hindi basta-basta ring boxer si Solis," sabi naman ng utol ni Pacquiao na si Bobby. "Pero nu’ng bumagsak si Solis sa sixth round, alam ko na hindi na mag-tatagal ang laban at mananalo si Manny."
Inaasahang maghahanda ng isa na namang ‘Hero’s Wel-come’ si General Santos City Mayor Pedro Acharon, Jr. sa pag-uwi ni Pacquiao kagaya ng kanyang nakaugalian.
Si Acharon ay kapartido ni South Cotabato Rep. Darlene Antonino-Custodio, karibal ni Pacquiao para sa naturang Con-gressional seat sa Mayo 14. (RCadayona)