Isa na namang heroes welcome para kay Pacman
April 16, 2007 | 12:00am
Isa na namang malaking pagsalubong ng City Govern-ment of Manila para sa pag-babalik ni Manny "Pacman" Pacquiao na dumungis sa malinis na record ni Jorge Solis ng Mexico sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
Ang traditional champion’s parade para sa paboritong ‘adopted son’ ng Maynila ang nakatakda sa pagdating ng World Boxing Council (WBC) International Super Feather-weight Champion sa bansa sa Martes.
Tinatayang may 60,000 katao na kinabibilangan ng mga barangay officials at residente ng Maynila ang nakapanood ng laban ni Pacman sa siyam na venues sa anim na distrito ng lungsod kung saan naglagay ng mga LCD screens at projectors para ipalabas ang live telecast ng laban mula sa Alamodome sa tulong ng Solar All Access.
"This is another major victory for Manny and the Filipino people. At kami ay tunay na natutuwa hindi lamang dahil sa pagkapanalo ni Manny na patuloy na nagbubuklod sa atin mga Pilipino, kung hindi ay dahil nabigyan natin ng kasiyahan ang mga kababayan nating taga Maynila," ani Manila Mayor Lito Atienza.
"We look forward to Manny’s return and hope he continues to use his talent for the greater good," wika naman ni Ali Atienza, dating Presidential Assistant for Youth at dati ring chairman ng Manila Sports Council (MASCO) na tumatakbo bilang Mayor ng lungsod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended